Jun 29, 2011

MEDIA ADVISORY: Para sa Hunyo 30, 2011 PNoy, We Don’t Want Your Coins, We Need change!

Sa ika-Isang Taon na panunungkulan ni PNoy ay walang ibinigay na tugon ito kundi bulagin at paniwalain ang mamamayan sa kanyang mga “barya-baryang” programa na magtatawid daw sa “matuwid na daan”.

Sa araw ng paggunita sa kanyang pagkakaluklok ay isasalarawan sa pamamagitan ng pagtatanghal ng Kaboronyogan Cultural Network ang malaking pambobola ng rehimen ni PNoy sa mamamayang patuloy na naghihikahos sa kasalatan ng lupa, trabaho at serbisyong panlipunan. Irerehistro sa araw na ito ng mga makabayang manggagawang pangkultura ang panawagan ng mamamayan na hindi “barya” kundi tunay na pagbabago.

Magsisimula ang pagtatanghal sa Legazpi City Market, Daraga Market at Pinaglabanan (Infront of LCC Legazpi), 8:00am- 12:00noon.


Dada Aguilar
Secretary General
Kaboronyogan Cultural Network
4356023

PNoy, We Don't Want Your Coins, We Need CHANGE!

Protesta ng mga Bikolanong Artista at Mamamayang Bikolano Laban sa Barya-baryang inilalakong programa ni PNoy. Pagsusuri at Panawagan ng mga artista at mamamayan sa isang taong panunungkulan ng administrasyong US-Aquino.

Sa lahat ng Artistang Bikolano - Lumahok sa pagkilos at manawagan para sa tunay na pagbabago. Mag ambag ng tula, sayaw at awit.
 
Thursday, June 30, 2011 · 8:00am - 12:00pm
Daraga Market, Legazpi City Market, Pinaglaban (Infront of LCC Legazpi

Sa mga katanungan, mag-email sa kaboronyoganbicol@gmail.com


Kita-kits!