Feb 20, 2011

KumaKALAMpag!


Pebrero 10,2011 ay nagkumahog ang kabo, hindi dahil sa nagka-cram na naman kami (hehehe)kundi sa naguumapaw na mga ideya kung papaano makakatulong sa ating mga kananayan sa pangungunga ng SAMAKANA - GABRIELA para sa gagawing "noise barrage" sa mga palengke ng Legazpi at Daraga kaugnay ng nakakalulang pagtaas ng mga presyo ng bilihin na ating nararanasan. kanya-kanyang banat sa paghawak ng mga brush at pagpipinta ang kabo ng mga placards na "higanteng" imahe ng mga batayang bilihin katulad ng sardinas, noodles, bigas, sabon at samut-saring gimik upang ipakita ang mahigpit naming pakikiisa sa mga panawagan na "VAT at OIL DEREGULATION LAW, IBASURA!". At noong Pebrero 11,2011 ay kinalampag ng mga nanay ang mga kalderong walang laman upang ipaabot ang mga panawagan. Ang pagpwesto sa mga palengke ay hindi upang ihapag ang mga hinaing sa mga manininda sa pagsirit ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin kundi ang matinding krisis na kinakaharap natin ay nakakaapekto hindi lamang sa mga bumibili kundi maging sa mga manininda at sa kalakhan ng mamamayan sa kabuuan. Ang pakikiisa ng Kabo sa pagkilos na ito ay nagpapakita lamang na ang mga makabayang artista at manggagawang pangkultura ay hindi hiwalay sa mga sektor na nakakaranas ng matinding kahirapan sa kasalukuyan. At ang masiglang paglahok na ito ng Kabo ay magtutuluy-tuloy kasama ang iba pang mga sektor sa mga susunod na pagharap natin sa ating hangarin ng tunay na pagbabago.

No comments:

Post a Comment