Feb 10, 2011

nakakalula!


Sunud-sunod ang mga balitang nakakalula nitong mga nakalipas na araw. Nakakalula ang pagtaas ng mga bilihin, nakakalula ang pagtaas ng pamasahe, nakakalula ang pagtaas ng singil sa kuryente at tubig, nakakalula ang mga nakaamba at ipinapatupad na proyekto ng bagong luklok na pangulo, nakakalula ang kaliwa't-kanang krimeng nagaganap, nakakalula ang mga gawa-gawang kaso sa mga lider ng mga progresibong organisasyon, nakakalula ang mga milyun-milyong piso na pinag-uusapan sa senado ng mga tiwaling heneral ng AFP! Sa patuloy na nakakalulang kaganapan ay naitutulak sa pader ang mamamayan upang pikit-matang tanggapin ang ganitong kalagayan. Napipilitang lunukin ang pait ng kahirapan at takip-taingang palampasin ang mga kasinungalingang pangako ng mga taksil sa bayan. Habang sapilitang pinatatanggap sa mamamayan ang kanilang kalagayan ay patuloy sa pagpapasarap sa karangyaan ang mga kurakot ng kabang-yaman ng bayan. Hinding-hindi kailanman tamang sabihin na "wala na tayong magagawa" sa mga nakakalulang kaganapan na ito dahil tayo rin ang lalagot sa kadena ng nakakalulang pagsasamantala, magbabangon sa aping kalagayan at magsusulong ng pagbabago.

No comments:

Post a Comment