Feb 21, 2011

Pagbati sa Panrehiyunal na Asembliya ng kaboronyogan Cultural Network!

( Mensahe ng Pakikiisa mula sa KARAPATAN - BICOL )

Nalulugod ang KARAPATAN - Bicol sa aktibidad na ito. Sa kadahilanang mas lalong sisigla at lalakas ang gawaing pangkultura sa rehiyon. Ganundin, mas mapapataas ang antas ng kamulatan ng mga mamamayang bikolano sa mga isyung napapanahon at maipapatimo sa mga ito ang ibang tipo ng propaganda sa pamamagitan ng iba't-ibang klase at anyo ng mga pagtatanghal na nagsasalarawan sa kalagayan ng masang anakpawis.















Bilang mga manggagawa sa Karapatang pantao - malaki ang tulong ng kulturang pagtatanghal sa lahat ng uri ng pagpapahayag at pagsasalarawan ng mga nangyayaring paglabag at pagyurak sa karapatang pantao sa rehiyon.

Sa tumitinding krisis at pambubusabos sa atin ng Gobyernong walang inatupag kundi ang pagsilbihan ang interes ng naghaharing uri at ng mga dayuhan. Nararapat lamang na pataasin, paunlarin ar isustini natin ang mga iba't-ibang uri ng Sining.

Hindi pwedeng ihiwalay ang kultura ng pagbabago sa atin bilang mga organisador at tagapagtaguyod ng syentipikong kultura. Kung kaya tayo mismo ang dapat na magtataguyod rin nito. Hamon ito sa atin at para sa susunod na mga henerasyon.

Para sa makabayang manggagawang pangkultura, Kami ay sumasaludo sa inyo!

No comments:

Post a Comment