( tula na isinulat ni Tessa Lopez ng BAYAN - BICOL )
Kayong may tangan ng kambas at pintura
Na gumuguhit ng larawan ng lipunan
Sa inyong bawat obra
Nabibigyang buhay ang bawat adhika
Kayong kumakalabit ng gitara
At lumilikha ng iba't-ibang musika
Ang inyong tinig at himig
Gumigising sa aming mga diwa
Kayong may hawak ng pluma at papel
At nagsasatitik ng mga tagong damdamin
Sa inyong bawat kataga
Nasasalamin ang kalagayan ng masa
Kaming di man pinagpala
Ng talento't galing sa paglikha
Ang inyong minulat sa tunay na halaga
Ng isang makabayang sining at kultura
Ang inyong talentong taglay
Sa pakikibaka'y buong-pusong inalay
Ang inyong obra't likha
Dakilang ambag sa kilusang mapagpalaya
Sa mga makabayang manggagawang pangkultura
Sa inyong makabuluhang ambag sa lipunan
Marapat lamang na kayo'y handugan
ng isang taas-kamaong pagpupugay
No comments:
Post a Comment